Ang Iyong Emergency Survival Manwal -  Paloma P

Ang Iyong Emergency Survival Manwal (eBook)

Handa Ka Na Ba?

(Autor)

eBook Download: EPUB
2017 | 1. Auflage
201 Seiten
Publishdrive (Verlag)
978-971-27-3313-0 (ISBN)
Systemvoraussetzungen
3,75 inkl. MwSt
  • Download sofort lieferbar
  • Zahlungsarten anzeigen

Mula kay Loren Legarda, senador at United Nations Regional Champion for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation for Asia and the Pacific:
Sa pamamagitan ng manwal ni Paloma, napapaalalahanan tayo na ang pagiging ligtas natin ay nagsisimula sa mga pagpili at kaukulang aksyon na ginagawa natin. Kailangang malaman natin ang bawat likas na kalamidad at maunawaan kung gaano tayo kahina sa mga panganib na kasama nito. Kailangang maging pamilyar tayo sa mga mekanismong mayroon tayo para mabawasan, kundi man maalis, ang impact ng mga naturang panganib.
Pag-iisipin tayo ng manwal na ito kung hindi tayo handa sa mga kasalukuyang kalamidad, lalo pa sa mga malalang impact ng nagbabagong klima ngayon.
Sa gayon, hinihikayat ko ang bawat pamilya na magkaroon ng kopya ng komprehensibong aklat na ito, na malaki ang maitutulong sa pagkaligtas sa mga kalamidad.


Mula kay Loren Legarda, senador at United Nations Regional Champion for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation for Asia and the Pacific:Sa pamamagitan ng manwal ni Paloma, napapaalalahanan tayo na ang pagiging ligtas natin ay nagsisimula sa mga pagpili at kaukulang aksyon na ginagawa natin. Kailangang malaman natin ang bawat likas na kalamidad at maunawaan kung gaano tayo kahina sa mga panganib na kasama nito. Kailangang maging pamilyar tayo sa mga mekanismong mayroon tayo para mabawasan, kundi man maalis, ang impact ng mga naturang panganib.Pag-iisipin tayo ng manwal na ito kung hindi tayo handa sa mga kasalukuyang kalamidad, lalo pa sa mga malalang impact ng nagbabagong klima ngayon.Sa gayon, hinihikayat ko ang bawat pamilya na magkaroon ng kopya ng komprehensibong aklat na ito, na malaki ang maitutulong sa pagkaligtas sa mga kalamidad.

INTRODUKSYON


Bakit ko binuo ang disaster survival manual na ito?

Dalawampu’t-pitong taon na akong Counseling Astrologer/Feng Shui Consultant. Sa pagsasaalang-alang ko sa makapangyarihan ngunit di gaanong nakahihikayat na mga planetary alignment, naobserbahan ko nitong nakaraang ilang dekada na hindi maayos ang pagkakahilera ng mga planeta para makalikha ng kwadrong “life is beautiful.” Sinimulan ko noon pang 1994 ang puspusang pananaliksik at pagbuo ng guidelines para sa aking pamilya. Nag-print out ako ng kopya para sa pansariling gamit at itinabi ko ang master file sa aking kompyuter … at oo, pagkaraa’y nalimutan ko na ito.

Noong 2009, habang nililinis at inaayos ko ang kalat na iniwan ng bagyong Ondoy sa aking bahay, nakita ko ang file na ito at laking gulat ko na marami sa mga kalamidad na naitala ko ang nangyari. Nakita ko na pala ang mga ito noon pa man.

Naisip ko na magagamit ng mga Filipino ang mga ganitong uri ng guidelines dahil wala naman tayong komprehensibong gabay na tulad nito—o mayroon ba? Ang totoo, hindi ko alam. Pero ito ang totoo: mas marami tayong alam, mas mahinahon at matino nating mahaharap ang anumang sakuna. At kahit pa sigurado ako na karamihan sa atin ay walang kakayanang bumili o magkaroon ng ilan sa mga bagay na naitala sa aklat na ito, masasabi kong maipapanalo na ang giyera kahit sa kalagitnaan nito dahil mayroon tayong nalalaman. Sa totoo lang, ang mga talagang dahop sa buhay, na ang mga pangunahing pangangailangan ay matagal nang nababalewala at pinatira sa malalayong relokasyon, ang may mas malaking tsansa para makapag-survive. Sila ang mga sanay na mag-improvise o mag-recycle ng mga materyales at kagamitan. Sa kabilang banda, ang mga nasanay sa maginhawang buhay ang mapeperhuwisyo nang husto. Iyan siguro ang karma sa tunay na buhay!

Gaya ng pahayag ng Emergency Preparedness Information Center, isang emergency management group, “Hindi mayayamang Prepper (bagong tawag sa “survivalist,’ basahin sa Kabanata 1) na may pinakabagong bell at whistle ang makaliligtas sa mga kalamidad, kundi ang mga street dwellers na nabubuhay nang isang-kahig, isang-tuka. Silang mga nagtutulak ng kariton na pinaglalagyan nila ng nakalakal na basura. Silang nagluluto ng pagkain sa latang itinapon natin noong nakaraang buwan. Sila ang mga bihasa sa ganitong kalagayan. Alam nila kung paano mag-survive, kung saan kukuha ng tubig, paano pagsasaluhan ang konting pagkain na kanilang nakalap. Nabubuhay sila nang walang kagamitan tulad natin. Walang higaan, walang banyo, walang tubig, walang kloset na puno ng damit, walang laptop, walang aircon, at wala ring elektrisidad!”

ACCELERATED TIME


Ang ating kasalukuyang panahon—na ginatlaan ng mga fish kill, libo-libong patay na ibon na nagbabagsakan mula sa kalangitan, pinakamalakas na lindol na naganap sa loob ng 50 taon—ano pa ba?—lahat ay senyales na tayo ay nabubuhay at kumikilos sa tinatawag na “accelerated time.” Lahat ng mga nangyayari ngayon sa ating kapaligiran, na ni sa hinagap hindi natin naranasan mula pagkabata, ay parang nagpapahiwatig ng pagtutuos sa lahat ng mga kalabisan, kabulagsakan, at kapabayaang ginawa natin sa ating kapaligiran … na siya ngayong nagbabadya sa ating kaligtasan.

Magkakaiba—at nakakatakot—na sitwasyon ang gumagambala sa mga nakagawiang daloy ng ating buhay, at habang tinitingnan ito ng iba na pawang mga “pangyayari,” hinihintay ko ang “ibang bagay,” ang tinatawag na “the Big One.”

Tayo ngayon ay nasa Period Eight (batay sa Feng Shui), o ang Siklo ng Planetang Saturno (ang Panginoon ng Karma, ayon sa Western Astrology). Siya ang humuhugot ng disiplina at naniningil sa ating mga pagkakamali, partikular na kung tayo ay lumabag sa istraktura … mula sa panuntunan ng pag-aasawa hanggang sa mga alituntunin ng paghahanapbuhay.

May mga kaganapan na dapat mangyari para sa katuparan ng batas ng karma. At ang mga resulta ng ating mga desisyon sa buhay at pamumuhay, tama man o mali, ay hindi na mababawi pa. Nakaabang ang banta ng ikatlong digmaang pandaigdig at hindi malayong maganap ang pagbobombang nukleyar/biyolohikal/kemikal.

Ito ngayon ang mga problemang ipinahihiwatig ng mga planeta na kailangan nating pagtuunan ng pansin. Hindi na sapat ang dating “pagbibigay proteksyon” sa ating mundo. Malabo ang ating mga solusyon sa problema ng climate change. Ang dapat nating pagkaabalahan ay ang likas na abilidad nating makaligtas sa mga panganib na sa ngayon ay siyang tinatahak natin. Tayong lahat ay saksi sa personal, nasyonal at pandaigdigang kalamidad. At habang ang epekto ng mga ito ay paliban-liban, nagmimistulang ganito lang ito dahil bigo tayong unawain ang kahalagahan ng pagiging akma sa siklo ng kalikasan. Talaga bang wala tayong pakialam o sobrang tigas lang ng mga ulo natin?

Magkakaroon ng matinding pagkasira sa pamumuhay ng sangkatauhan na maaaring pumaralisa sa ating planeta, at lalala pa ito. Hindi ito prediksyon dahil nangyayari na, di ba?

Matapos ang 8.9-magnitude na lindol sa Japan, ang axis ng mundo ay lumihis ng anim at kalahating pulgada mula sa orihinal nitong pagpaling at ang geologic map ng Japan ay umurong ng may 13 talampakan mula sa pinagmulan nito. Pinalubog din nito ang Japan nang humigit-kumulang dalawang talampakan. Dahil dito, nagbago rin ang direksyon ng ating tahanan at iba pang lugar.

Una rito, pinalihis din ng lindol sa Chile noong Pebrero 2010 ang axis ng mundo ng tatlong pulgada.

At kamakailan lamang, lumindol din ng malakas sa Nepal, Japan ulit, at Sabah.

Ngayon, alam na nating posible ito. Hindi na ito kuwento lang o haka-haka tulad ng tinatalakay sa mga pelikulang dokumentaryo.

ANG MGA SENYALES


Nagaganap ang Polar Shift kapag ang magnetic field ng mundo ay nagpapaling-paling. Alam ng mga native American Indians ito dahil sa napakahabang panahong pagsubaybay nila sa anumang kakaibang kilos ng ating planeta, na ang pagpaling nito ay nagiging sanhi ng malaking pagbabago sa klima. Wala man silang alam tungkol sa orbit ng ating planeta pero alam nilang puwedeng pumaling ito at magbunsod halimbawa sa pagkakaroon ng tornado sa mga lugar na kailanman ay hindi nakaranas nito. Kung bakit nangyayari ito ay hindi pa nauunawaang mabuti ng siyensiya, pero batay sa mga geologic record, ang mga reversal na ito ay naganap na ng 171 beses at ang 14 nito’y nangyari noong 4.5 milyong taon ang nakalipas. Habang ang tiyak na siklo ay nagbabago din sa paglipas ng panahon, ito rin ang dahilan kung bakit hindi ito ganoon kadaling bantayan.

Sunud-sunod nang nagaganap ang mga senyales ng malawakang pagbabago, tulad ng biglang pag-iba ng panahon, malawakang pandarayuhan (migration), ang nabanggit na fish kill1, pagbagsak ng patay na mga ibon mula sa langit2, natural na mga kalamidad, kamakailan ding paglitaw ng mga malalaking bola ng bulate na singlaki ng spaghetti na nakahilera sa gitna ng daan sa loob ng dalawang araw sa Texas noong May 29, 2015 pagkatapos ng pag-ulan at pagbaha3, krisis sa pandaigdigang ekonomiya, pagkaligalig ng mga mamamayang puno na sa mga pang-aabuso ng mga pinuno sa kapangyarihan, at mabilis na panghihina ng magnetic field ng daigdig. Lumilitaw rin ang mga propesiya ng kataklismo mula sa ating kapaligiran—mula sa maliliit na babala hanggang sa eksena ng pagwawakas ng mundo. Naniniwala akong nasa unang yugto na tayo ng ganitong mga kaganapan.

Handa ba tayo? Sa tingin ko, kailangang baguhin natin ang ating mga pag-iisip, pananaw at pamumuhay para makasabay tayo sa mga hinihingi ng transisyon.

Isa lang ang tiyak: nasa punto na tayo na puwede talagang mangyari nang hindi inaasahan ang anumang sakuna. Maaaring mapilitan tayong lumikas dahil dito, makulong sa ating tahanan, o mapalipat sa ibang lugar. Ano ang gagawin natin kung maputol ang ating basic services—walang tubig, gas, elektrisidad o telepono? Tiyak na reresponde ang lokal na awtoridad at mga relief workers pero hindi nila makakayanang puntahan o gawin lahat nang sabay-sabay.

MGA BAGAY NA HINDI NATIN ALAM AT BINABALEWALA


Alam ba natin kung may kumpletong contingency plans ang ating gobyerno para tugunan ang mga bagay na may kaugnayan sa sakuna? Alam ba nila kung alin sa mga ito ang dapat paghandaan nang husto? May resources din ba ang iba’t ibang sangay ng ating pamahalaan para harapin ang mga pambansang emergency? Dapat bang magkaroon ng bagong paradigm para sa mga pribadong kompanya na nagsasagawa ng mga programa ukol sa Corporate Social Responsibility? Importanteng malaman natin ang mga sagot dito. Kailangang may nakatakdang mga contingency plan ang mga pribadong kompanya at tanggapan ng pamahalaan para sa kanilang mga kawani (at kani-kanilang pamilya rin) sa gitna ng pambansang emergency. Ang kanilang resources ay hindi lang dapat gamitin para mapanatiling umiikot ang gulong ng kalakalan, kailangan din ito para sa kaligtasan ng kanilang mga tauhan. Sa sandaling maipaalam ito sa ating pamilya at mga kaibigan, nalampasan na natin ang parteng mahirap.

Kritikal ang telekomunikasyon sa operasyon ng halos lahat ng mga organisasyong pampubliko at pampribadong sektor ng ating lipunan, lalong-lalo na sa pagresponde ng mga grupo at indibidwal sa panahon ng emergency. Nagiging posible ang telekomunikasyon sa pamamagitan ng pagkakahabi ng magkakaugnay na network na suportado ng internasyonal, nasyonal at lokal na mga carrier at service provider, equipment manufacturer at supplier, at mga kostumer.

DITO, NAGIGING MADALING MAKITA KUNG PAANO NAGIGING KAHINAAN ANG INTERDEPENDENCY, NA SIYANG NAGIGING PROBLEMA NATIN.

Ang lahat ay parang sapot. Ang isang simpleng transaksyon sa bangko ay hindi makukumpleto kung ang lahat...

Erscheint lt. Verlag 9.11.2017
Sprache englisch
Themenwelt Schulbuch / Wörterbuch Lexikon / Chroniken
Technik
ISBN-10 971-27-3313-0 / 9712733130
ISBN-13 978-971-27-3313-0 / 9789712733130
Haben Sie eine Frage zum Produkt?
EPUBEPUB (Adobe DRM)

Kopierschutz: Adobe-DRM
Adobe-DRM ist ein Kopierschutz, der das eBook vor Mißbrauch schützen soll. Dabei wird das eBook bereits beim Download auf Ihre persönliche Adobe-ID autorisiert. Lesen können Sie das eBook dann nur auf den Geräten, welche ebenfalls auf Ihre Adobe-ID registriert sind.
Details zum Adobe-DRM

Dateiformat: EPUB (Electronic Publication)
EPUB ist ein offener Standard für eBooks und eignet sich besonders zur Darstellung von Belle­tristik und Sach­büchern. Der Fließ­text wird dynamisch an die Display- und Schrift­größe ange­passt. Auch für mobile Lese­geräte ist EPUB daher gut geeignet.

Systemvoraussetzungen:
PC/Mac: Mit einem PC oder Mac können Sie dieses eBook lesen. Sie benötigen eine Adobe-ID und die Software Adobe Digital Editions (kostenlos). Von der Benutzung der OverDrive Media Console raten wir Ihnen ab. Erfahrungsgemäß treten hier gehäuft Probleme mit dem Adobe DRM auf.
eReader: Dieses eBook kann mit (fast) allen eBook-Readern gelesen werden. Mit dem amazon-Kindle ist es aber nicht kompatibel.
Smartphone/Tablet: Egal ob Apple oder Android, dieses eBook können Sie lesen. Sie benötigen eine Adobe-ID sowie eine kostenlose App.
Geräteliste und zusätzliche Hinweise

Buying eBooks from abroad
For tax law reasons we can sell eBooks just within Germany and Switzerland. Regrettably we cannot fulfill eBook-orders from other countries.

Mehr entdecken
aus dem Bereich