Uberman -  Zero A.D.

Uberman (eBook)

(Autor)

eBook Download: EPUB
2017 | 1. Auflage
275 Seiten
Anvil Publishing, Inc. (Verlag)
978-621-420-132-7 (ISBN)
Systemvoraussetzungen
6,72 inkl. MwSt
  • Download sofort lieferbar
  • Zahlungsarten anzeigen

Si Überman ang tipo ng superhero na cliché-may pambihirang lakas, bilis at kapangyarihan. Pero may kakaiba sa kanya kumpara sa mga kontemporaryong superhero. Sa kuwentong ito, bukod sa mayroon siyang self-titled album at nagko-cover ng music video sa YouTube, ay wala siyang kalabang may superpowers na ang tanging hangarin ay maghasik ng kasamaan o kaya'y wasakin ang mundo upang makapaghiganti.


Ang kalaban ni Überman ay ang matagal nang kalaban ng ating lipunan-kahirapan, kriminalidad, kagutuman, kurapsyon, giyera, human trafficking, social, political and economic problems, lumilipad na ipis, atbp. Gamit ang kanyang superpowers at sa tulong ng teknolohiya, paano nga ba niya malalabanan ang mga suliranin ng isang bayang naghihinagpis?

“There isn’t much justice in this world. Perhaps that’s why it’s so satisfying—to occasionally make some.” – Martian Manhunter, Justice League Task Force



INHALE… Exhale… Inhale… Hay…

Wala siya sa yoga class. Nandito siya para gawin ang isa sa pinakaayaw niya sunod sa paglalaba—interview. Ilang beses na niya itong ginagawa pero palagi pa rin siyang kinakabahan. Nagiging super self-conscious siya. Hindi niya mapigilan ang sarili sa pag-iisip ng kung anu-anong kapraningan. Na baka mahulog ang kanyang maskara dahil oily na ang kanyang mukha at masaksihan ng madla ang natatago niyang kaguwapuhan. Na baka may punit ang body-fit costume niya nang hindi niya napapansin at biglang masilip sa kamera, up close. Na baka bumakat ang pawis sa kanyang kilikili at siya pala’y nangangamoy anghit na. Paano kung mali ang maisagot niya sa mga tanong na matatanggap niya, magmumukha siyang tanga. Shet. Nakakahiya. Pero kailangan niya itong gawin. Kasama ito sa perks ng pagiging isang superhero.

“Sir, magsisimula na po tayo in five minutes,” heads up sa kanya ng floor director.

“Okay po. Salamat,” sagot niya sabay tango.

Malapit nang magsimula ang programa kung saan siya ang guest. Papasok siya mula sa guest entrance. Suot niya ang kanyang full-body costume na pinatahi niya para lamang sa mga TV guestings and appearances tulad nito. Nilinis din niyang mabuti ang kanyang nangingintab na maskara.

Itim at puti ang tema ng kanyang superhero costume. Itim ang kapa habang puti naman ang damit na hapit sa kanyang buong katawan na nagpapalitaw sa kanyang sumasabog na biceps, pectorals at 6-pack abs. Puti rin ang kanyang leggings. Hindi naman siya nakasuot ng brief, sa labas, gaya ng ibang comics superhero. Sa kanyang dibdib nakasulat ang letrang U na may dalawang tuldok sa itaas, sa may bandang utong, kaya nagmumukha itong smiley. Itim ang kulay ng kanyang gloves at boots, pati na rin ang kanyang maskarang tumatakip sa kanyang noo, mata at ilong. Ang kanyang buhok naman ay babad sa gel na sinuklay nang pa-brush-up. In fairness, hindi siya naka-undercut.

Nagulat siya sa palakpakan ng audience sa studio, parang pinabalik sa kanyang katawan ang naglalakbay niyang isip mula sa kung saan. Nagsimula na ang programa.

“Magandang gabi mga katoto,” bati ng host sa mga manonood na sinundan ng punchline ng kanyang programa. “Ako ang inyong host, si Totoy Facundo. Narito na naman po tayo sa paborito ninyong programa tuwing Biyernes ng gabi. Kapag nasa bahay lang kayo’t walang magawa sa buhay dahil sa kayo’y mga poorita: Ang Bagsakan with Totoy! Ang bisita natin ngayong gabi ay kilala na ninyong lahat. Sikat siya hindi lang dito sa ating bansa kundi pati na rin sa buong mundo. Tagapagligtas siya ng maraming buhay, pinoprotektahan ang mahihina at tinutulungan ang marami sa atin na makabangon mula sa kahirapan. Pero sa kabila ng kanyang kasikatan, isang malaking misteryo pa rin sa atin ang kanyang katauhan. Panahon na kaya para ilahad niya sa atin ang malaking misteryong ito? Well, ladies and gentlemen, let’s welcome, our favorite superhero: Uberman!”

Lumakas ang tibok ng kanyang puso nang marinig niya ang kanyang pangalan. Huminga siya nang malalim, at muntik na halos mabunot ang pinto sa kanyang harapan. Naglakad siya papasok, kumaway sa mga manonood, nakipagbeso sa host saka umupo.

Ang setting ng studio ay mukhang pangkaraniwang sala ng ordinaryong pamilya. May dalawang sofa kung saan nakaupo ang magkausap at may lamesitang pinagpapatungan ng plastik na halamang nakatanim sa graba. Kung saan may nakapatong ding dalawang baso ng tubig. Sa ilalim ng lamesita ay may mga magasin na maayos na nakasalansan. Ang background ay isang malaking screen kung saan ipinapakita ang mga larawan ni Uberman at ang kanyang pakikipagsapalaran.

“Salamat at pinaunlakan mo ang imbitasyon ng aming programa, Uberman.”

“Walang anuman po, Totoy,” sagot nito.

“Huwag mo na akong po po-in, paborito ko man ’yan pero hindi magandang pakinggan sa harap ng madlang pipol. Aha ha ha!” sagot ng host.

“Ah. Sorry po, Totoy.”

“Saan?”

“Ha?” Hindi na-gets ng superhero ang joke. Ngumiti na lang siya. Awkward na ngiti.

“Biro lang. Aha ha ha ha. Anyway, let’s talk about you, Uberman. Who are you?”

“Ako po? Ah. Ako si Uberman.”

“Alam namin. Aha ha ha ha. But what I mean is, who are you inside that mask, that costume, that superhero named Uberman?”

“Ah, okay. Sorry po pero hindi ko puwede i-disclose kung sino ako eh.”

“We know. I just thought baka makalusot. Aha ha ha ha. Headlines din ’yun.”

Awkward na ngiti ulit.

“For the sake of the audience na ngayon ka pa lang makikilala, halimbawa ay ’yung mga bagong panganak, puwede bang sabihin mo sa kanila kung ano ang mga ginagawa mo? What keeps you busy?”

“Sige po.” Hinanap ang kamera saka tumingin dito. “Ahh, ako nga po pala si Uberman. Isang superhero na nagliligtas ng mga buhay sa abot ng aking makakaya. Minsan, higit pa sa aking makakaya. Iyong mga taong maysakit o kailangan ng agarang operasyon na nakatira sa malalayong lugar mula sa ospital ay inililipad ko papuntang Maynira o sa pinakamalapit na bayan para maipagamot. Ano pa ba? Ahh, tinutulungan ko rin pala ang mga kababayan nating magsasaka na mag-araro at mag-ani sa bukid, minsan naman kapag tagtuyot tinutulungan ko rin silang madiligan ang kanilang pananim, kumukuha ako ng tubig sa pinakamalapit na puwedeng mapagkunan. Sa mga mangingisda, nagpapakain ng mga alagang isda at nanghuhuli, paminsan-minsan, kapag mahirap makahuli. Nanghuhuli rin ako ng masasamang loob. Holdaper, kidnapper, snatcher, raper, ay, rapist pala.” Nagtawanan ang mga taimtim na nakikinig. Napangiti lang ang host ng marinig ang tawanan. ’Di kasi siya nakikinig, mas iniisip niya ang susunod niyang tanong. Nagpatuloy lang ang superhero.

“Inililigtas ang mga biktima ng human trafficking. Dinadala ko sa tamang awtoridad ang mga smuggler, iligal na nagtotroso, nagmimina at nangingisda para protektahan ang kalikasan. Nagtatanim din ako sa mga bundok na nakakalbo. Dinadampot ang sangkatutak na mga basura sa karagatan. Nagre-recycle. Nagtatayo ng mga bahay, paaralan at ospital para sa mga mahihirap nating kababayan. Naghahain ng mga petisyon para ipagtanggol ang karapatang pantao ng marami sa atin sa iba’t ibang panig ng mundo at para mapahinto ang pang-aabuso sa ating kalikasan. Mayroon din akong sinimulang mga foundations at scholarships. Naglili—”

“Wow. Ang dami, mauubos ang oras natin. Aha ha ha ha! You’re really a busy guy. Sabi nga, ‘With great power comes great responsibility. ’ And it’s very true to you, no?”

“Siguro nga po. He he.”

“Ito, isang tanong mula sa Twitter ni CutieGirl097_Gangstah, and I’m curious as well, ‘Paano ka kumikita ng pera?’ Since, alam naman namin na hindi ka sumusuweldo sa pagliligtas mo ng mga buhay.”

“Tama. Siguro po, sabihin na lang natin na sa estado ng buhay ko ngayon ay hindi ko na masyadong pinoproblema ang pera.”

“Really, then it means you’re rich?”

“Hind—”

“Or is it your alter ego that is rich?”

“Ha ha ha—”

“Do you pay your taxes?”

“Uhmm…”

“Aha! Baka mahuli tayo ni Ms. Kulimbat.”

“Ha ha ha! No comment.”

“Do you eat?”

“Opo naman.”

“What’s your favorite food?”

“Gulay po.”

“Seryoso?”

“Opo.”

“Okay. What vegetable in particular?”

“Spinach.”

“Aha ha ha ha. I see what you did there. Ito naman ang isang tanong sa aming Facebook page ni Ako Si Bob na nagtatrabaho sa Eh di sa Puso mo, ‘Do you have time for a lovelife?’”

“Ahh—”

“Mahirap ba sagutin? O, sige. Let me revise the statement of Ako Si Bob – Uberman, yes or no, do you have a lovelife or a someone special to you right now?”

“Uhmm. Secret na lang po.”

“Ano ang kanyang pangalan?”

Ngumiti na lang siya. Hindi siya sumagot. Secret nga kasi. Kulit.

“Okay. Just the initials. A? B? C? what?”

“Wala po sa letters of the alphabet.”

“Huh? Nasaan?”

“Nasa puso ko.”

Nagtawanan sa kilig ang audience.

“Aha ha ha ha. Palabiro ka rin pala.” Malambing na hinampas ng host sa braso ang superhero. “Hmm. Matigas huh. So, it’s a yes? Mayroon namang gustong magtanong sa audience. Go!”

Tumayo ang isang babae mula sa audience.

“Hello? Hello?” Pinukpok nito ang mic. “May shound ber?”

Nagtawanan ang nasa paligid. “Oo, hija, may sound,” sagot ni Totoy, napangiti.

“Ow. Hayr Uberman. Aker nga per pala shi Annah with H. Quershtion kow lang kayr Uberman, Bakert Uberman ang shuperhero name mow?” tanong ng dalagang tatlong taon nang nakasuot ng braces pero isang beses lang kada dalawang buwan bumisita sa dentista para makatipid.

“Good question. Thank you Annah with H. Oo nga, why Uberman?” tanong ng host.

“Galing po ’yun kay Nietzsche.”

“Nicha? Who’s that?”

“Siya yung paboritong philosopher ng ta—. Paborito ko.”

“What does it mean?”

“It’s from a German word, it means over man, super man.”

“Wow. That’s deep. Hindi ka lang pala puro physical strength, no? You also have the brain as well.”

“Thank you?” Inisip na lang ni Uberman na compliment iyon at hindi...

Erscheint lt. Verlag 22.11.2017
Sprache Tagalog
Themenwelt Literatur Comic / Humor / Manga Comic
ISBN-10 621-420-132-0 / 6214201320
ISBN-13 978-621-420-132-7 / 9786214201327
Haben Sie eine Frage zum Produkt?
EPUBEPUB (Adobe DRM)

Kopierschutz: Adobe-DRM
Adobe-DRM ist ein Kopierschutz, der das eBook vor Mißbrauch schützen soll. Dabei wird das eBook bereits beim Download auf Ihre persönliche Adobe-ID autorisiert. Lesen können Sie das eBook dann nur auf den Geräten, welche ebenfalls auf Ihre Adobe-ID registriert sind.
Details zum Adobe-DRM

Dateiformat: EPUB (Electronic Publication)
EPUB ist ein offener Standard für eBooks und eignet sich besonders zur Darstellung von Belle­tristik und Sach­büchern. Der Fließ­text wird dynamisch an die Display- und Schrift­größe ange­passt. Auch für mobile Lese­geräte ist EPUB daher gut geeignet.

Systemvoraussetzungen:
PC/Mac: Mit einem PC oder Mac können Sie dieses eBook lesen. Sie benötigen eine Adobe-ID und die Software Adobe Digital Editions (kostenlos). Von der Benutzung der OverDrive Media Console raten wir Ihnen ab. Erfahrungsgemäß treten hier gehäuft Probleme mit dem Adobe DRM auf.
eReader: Dieses eBook kann mit (fast) allen eBook-Readern gelesen werden. Mit dem amazon-Kindle ist es aber nicht kompatibel.
Smartphone/Tablet: Egal ob Apple oder Android, dieses eBook können Sie lesen. Sie benötigen eine Adobe-ID sowie eine kostenlose App.
Geräteliste und zusätzliche Hinweise

Buying eBooks from abroad
For tax law reasons we can sell eBooks just within Germany and Switzerland. Regrettably we cannot fulfill eBook-orders from other countries.

Mehr entdecken
aus dem Bereich
Rantanplans Arche

von Achdé; Jul

eBook Download (2022)
Egmont Ehapa Media.digital (Verlag)
6,99
Auf die Tube, fertig, Flucht!

von Scott Snyder

eBook Download (2023)
Cross Cult (Verlag)
12,99